Essay Tungkol Sa Ekonomiya Ng Pilipinas 2016

Maraming katanungan ang bumabalot sa isipan ng bawat Pilipino kung pag-uusapan ang ekonomiya ng Pilipinas, lalo na ang mga hamon na kinakaharap ng bansa sa puntong ito kung saan kaliwa’t kanan ang mga kontrobersiya ng Pilipinas. Dumating na nga sa puntong kinukwestiyon na maging ng mga bansang kaalyado nito at mas lalo na ng mga bansang kanyang kakumpitensya. Kung makikinig ka sa mga balita sa radyo at telebisyon, halos natabunan na ng mga negatibong kontrobersiya ang mga balita tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas, na halos hindi na mapansin ang positibong mga balita na mayroon parin ang bansang ito. Sa madaling salita, kamusta na nga ba ang ekonomiya ng Pilipinas?

Una sa lahat, nararapat lamang na mapalawak ang kaisipan ng bawat Pilipino kung anong uri ng ekonmiya mayroon ang bansang ito mula pa noong mga nakalipas na taon hanggang sa taong kasalukuyan.

Anong uri ng ekonomiya mayroon ang Pilipinas?

Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog Silangang Asya. Ang antas ng pasahod sa Pilipinas ay nasa lower middle income o mababang gitnang sahod. Ayon sa PPP o Purchasing Power Parity, ang GDP o Gross Domestic Product sa Pilipinas noong 2013 ay nasa 3,383 dolyar na nasa ika-138 na puwesto sa buong mundo at mas mababa pa sa mga bansang nasa Timog Silangang Asya katulad ng mga bansang Brunei, Thailand, Singapore at Malaysia. Sa madaling-salita, ang Pilipinas ay mas mahirap pa sa mga bansang nabanggit. Ayon sa PPP ang GDP ay isang paraang gamit ng mga ekonomista upang matukoy o masukat ng tama ang mga bansang mahihirap. Ito rin ay naghahambing ng mga pagkakaiba pagdating sa pamantayan ng pamumuhay ng bawat bansa sapagkat isinasaalang-alang nito ang mga gastusin sa pamumuhay at mga datos ng implasyon o presyo ng mga bansa sa pangkalahatang kategorya.

Ayon sa mga pagsasaliksik, mahirap mamuhunan ng negosyo sa Pilipinas lalo’t nasa ika-138 na pwesto ang bansa sa buong mundo. Samantala, ayon naman sa Corruption Perceptions Index, ang Pilipinas ay nasa ika-105 na pwesto sa 176 na bansa sa buong mundo na nangangahulugan lamang na may napaka-taas na lebel ng korusyon sa Pilipinas. Ang natanging mataas na datos lamang sa Pilipinas ay ang hindi pantay na pasahod sa mga manggagawa ng mga naglalakihang kumpanya na nagbubunga ng hindi matawarang kahirapan sa bansang ito.



Ang mga dahilan ng bahagyang pag-angat ng ekonomiya ng PIlipinas ngayon

Nangyari lamang ang bahagyang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa kasalukuyan dahil sa mga sektor ng serbisyo gaya ng mga industriya ng telekomunikasyon, real estate na suportado ng mga remittance o mga perang pinapadala ng mga OFW sa kanilang mga pamilya rito sa Pilipinas, semikonduktor at higit sa lahat ang pag-usbong ng mga BPO o Business Processing Outsourcing na namumuhunan rito sa Pilipinas. Itong mga sektor na ito na nagpa-angat bahagya ng ekonomiya ng PIlipinas ay naging dahilan rin kung bakit mayroong hindi pantay na pasahod at maling kalidad ng trabaho na hindi napagbuti sa mga panahong nagdaan hanggang sa kasalukuyan. Ang mga sektor na mas lilikha pa sana ng mas maraming trabaho katulad ng pagmamanupaktura at agrikultra ay lalong tumatamlay na nagdudulot ng karagdagang kahirapan lalo na sa mga taong hindi naman nakapagtapos ng edukasyon.

Ang epekto ng iba’t ibang administrasyon sa ekonomiya ng Pilipinas

Ferdinand Marcos (1965-1986) – Sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand Marcos ay ang mga taong nagkaroon ng talamak na korupsyon at pabago-bagong kondisyon sa politika dahil sa maling pangangasiwa sa ekonomiya ng bansa. Ito ang kauna-unahang nakaranas ng napaka-negatibong pag-unlad. Ang Pilipinas ay nasadlak ng lubos sa krisis pang-ekonomiya dahil narin sa sinasabing mga naging gastos ni Marcos ng mga pondo ng pamahalaan para sa kanyang muling pagtakbo bilang pangulo.

Corazon Aquino (1986-1992) – Mula ng siya ay nahalal kanya agad tinugunan ang pandayuhang utang na humigit kumulang 28 bilyong dolyar na nalikom ni Marcos. BInayaran ng administrasyong Aquino ang 4 na bilyong dolyar ng 28 bilyong dolyar na utang ng Pilipinas ngunit humiram rin ang administrasyong Aquino ng 9 na bilyon na nagpataas pa ng 5 bilyong dolyar. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay bahagyang lumago ng 3.4% sa kanyang unang taon bilang Presidente ngunit nagsanhi naman ng pagtigil sa paglago nito ang pagtatangkang rebelyon noong 1989.

Fidel Ramos (1992-1998) – Sa ilalim ng pamumuno ni Ramos ay nakapagtala ng paglago ng GDP ng 3.1%. Nagkaroon ng reporma ng mga batas upang akitin ang pamumuhunan ng mga dayuhan. Ginawang pribado ang ilang mga mahahalagang industriya at binuwag ang mga monopolyo. Subalit, nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamataaas ng datos sa pagtakas sa pagbabayad ng buwis sa Asya. Ang implasyon ay bumagsak sa 5.9% mula sa dating 9.1% noong 1995. Samantalang ang piso naman ay bumagsak sa P40.89 kada dolyar sa P29.47 kada dolyar.

Joseph Estrada (1998-2001) – Ito ang isa sa pinka-kontrobersyal na administrayon sapagkat sa ilalim ng pamumuno ni Estrada, ang kanyang administrasyon ay inakusahan ng korupsyon at inkompetensya na nagdulot ng kawalang tiwala at gana ng mga imbestor na dayuhan. Dumagdag pa ang mga pagdukot, pambobomba at pabago-bagong klima sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.

Gloria Arroyo (2001-2010) – Sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo, ang paglago ng GDP ng Pilipinas ay 4.7% ngunit sa kabila ng paglago ay ang paglala pa ng kahirapan ng bansa. Nagpakita ng 5.4% ng paglago ng ekonomiya noong 2006 ngunit bumagsak rin ang ekonomiya dahil sa mga bagyong dinanas ng Pilipinas. Tumaas rin ang populasyon ng Pilipinas na naging sanhi ng mas malala pang kahirapan.

Benigno Aquino III (2010-2015) – Ang datos ng paglago ng GDP ng Pilipinas ay 6.8% noong 2012 na sinasabing ikalawang pinakamataas sa buong Asya. Sinasabing ang naging dahilan ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay dahil sa mga hakbang na isinagawa ni Aquino III pagdating sa pagsugpo ng korupsyon. Sa kabilang banda, wala namang naging pagbabago pagdating sa kahirapan ng bansa sapagkat ang nanatiling maunlad lamang ay iyong mga may mauunlad ng pamumuhay at hindi ang mga kapus-palad. Ang kawalang trabaho ay mas tumaas mula Setyembre 2013 na may 21.7% at Disyembre 2013 na may 27.5%.

Ang mga nasabing pamumuno ay may iba’t-ibang datos na naitala sa ilalim ng kanilang pamamahala. Halos pare-parehong hindi nagtagumpay na mapataas ang kalidad ng ekonomiya ng Pilipinas na sadya namang nakakalungkot isipin. Ngayon, ang sambayanang Pilipino ay umaasa na ang kasalukuyang administrasyon ay makakatulong ng malaki upang mapalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng hindi na kailangan pang mayurakan ang pangalan ng Republika ng Pilipinas. Hindi masamang umasa, ngunit masamang iasa ang lahat sa iisang tao lamang. Kung nais mapalago ang ekonomiya, kailangang magsimula ito sa sarili.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?


Ang Ekonomiya ng Pilipinas, Noon at Ngayon

4 (80%) 8 votes


Pilipinas, lumago ang ekonomiya ng 6.9% sa unang tatlong buwan ng 2016

EKONOMIYA NG PILIPINAS, SUMIGLA. Ibinalita ni National Statistician Dr. Lisa Grace Bersales (pangalawa mula sa kaliwa) na sumigla ang ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng taong 2016. Karaniwang nasa 6.6% lamang ang nakakamtang kaunlaran subalit ngayong 2016 ay umabot sa 6.9%, dagdag pa ni Dr. Bersales. (Melo M. Acuna)

MATATAG NA EKONOMIYA ANG IIWANAN SA BAGONG ADMINISTRASYON. Ito naman ng sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel Esguerra (pangalawa mula sa kanan) sa ginawang briefing sa Centris, Quezon City kanina. Mababa nga lamang ang performance ng agriculture sector (-4.4%) sa likod ng magandang ipinakita ng Industry na 8.7% at Services na 7.9%. (Melo M. Acuna)

IBINALITA ni Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2016 at umabot ito sa 6.9%. Ang kaunlarang natamo ay higit pa sa inaasahan ng merkado sapagkat karaniwang nakakamtan ang 6.6% sa unang tatlong buwan ng bawat taon.

Sa isang press briefing kaninang umaga sa Centris sa Quezon City, sinabi ni Secretary Esguerra na sa pangyayaring ito, malaki ang posibilidad na makamtan ang 6.8% hanggang 7.8% sa buong taon ng 2016.

Magaganap ito kahit pa mahina ang sektor ng pagsasaka at pangingisda. Malugod na ibinalita ni G. Esguerra na ang Pilipinas ang pinakamabilis na lumagong bansa sa rehiyon. Sinusundan ng China sa 6.7%, Vietnam sa 5.5%, Indonesia sa 4.9% at Malaysia na nagtamo ng 4.2% sa unang tatlong buwan ng 2016.

Nalulugod rin silang ipagkaloob sa susunod na pamahalaan ang isang matatag na ekonomiya lalo pa't nakamtan ang kaunlarang ito sa nakalipas na limang taon sa pagbabalik ng katatagan sa larangan ng politika at ekonomiya. Umaasa si Kalihim Esguerra na ipagpapatuloy ng susunod na pamahalaan ang kanilang nakamit na kaunlaran.

Hindi na nararapat pang pabayaan ng mga susunod na pinuno ng bansa ang kaunlarang nakamtan sapagkat hindi pinansin ang Pilipinas noong dekada otsenta dahilan sa kawalan ng katiyakan sa larangan ng politika.

Mahalagang makita at madama ng mga mangangalakal ang katatagan ng democratic institutions at mananatiling maayos ang lahat kahit pa magpapalit ng administrasyon. Kailangan rin ang policy consistency upang mapanatili ang pananalig ng mga mangangalakal.

Mahalaga rin ang naging kontribusyon ng investments in durable equipment. Ang Fixed capital na isang pamantayan ng investment growth ay kinakitaan ng 25.5% growth at nakatulong ng 5.8% points sa real GDP growth. Umunlad rin ang sektor ng construction sa pagkakaroon ng 12% sa unang tatlong buwan kung ihahambing sa 7.6% sa huling tatlong buwan ng 2015 at 4.5% sa unang tatlong buwan ng 2015 samantalang ang capital outlays ng malalaking kagawaran ang kinakitaan ng pag-unlad. Umunlad rin ang private construction ng 7.1% mula sa 1.1% noong 2015. Ang ito ang nagpapakita ng senyales na magiging masigla ang ekonomiya sa mga susunod na bahagi ng taon.

Sa likod ng kaunalarang natamo, bagsak pa rin ang sektor ng pagsasaka. Sa unang tatlong buwan ng 2016, lumiit pa ang agriculture sector ng 4.4% mula sa halos walang galawan noong 2015. Nadama ang hagupit ng El Nino sa magkasunod na kwarter ng 2015 na maihahambing sa naranasan noong 1998. Sa pangyayaring ito, hindi naman tumaas ang halaga ng pagkain, dagdag pa ni Secretary Esguerra.

1 234

May Kinalamang Babasahin

Comments

0 thoughts on “Essay Tungkol Sa Ekonomiya Ng Pilipinas 2016”

    -->

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *